May Foreign Client Ka? Baka 12% VAT ang Sumalubong sa’yo.
Akala mo ba basta foreign client = automatic 0% VAT?
Hindi na ganun kadali ngayon.
With RR No. 10-2025, the BIR clarified when you can really claim zero-rated VAT, and what happens if you don’t follow the rules.
Kung ikaw ay freelancer, service provider, o online seller with international clients, basahin mo ’to. Kasi kapag mali ang process mo, baka magbayad ka ng 12% VAT na hindi mo dapat binabayaran.
What Changed Under RR No. 10-2025?
This regulation sets new guidelines on when goods and services are zero-rated, exempted, or refundable. It also gives clearer rules for documentation and refund claims.
Here’s what’s new:
- Bagong rules sa 0% VAT para sa exported goods and services
- Klarong listahan ng VAT-exempt transactions
- Mas malinaw na VAT refund process
- Simula ng implementation: April 1, 2025
Kailan Ka Pasok sa 0% VAT?
For Goods:
- Exported ang produkto mo (outside PH)
- Buyer is PEZA, BOI, or other RBE (Registered Business Enterprise)
- May kumpletong supporting documents (sales invoice, export docs, etc.)
For Services:
- Client is outside the Philippines
- Bayad ay foreign currency (like USD)
- May proof of inward remittance (e.g., bank certificate)
- Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) rules
VAT-Exempt Imports
Walang VAT kung:
- Fuel or goods are used for international shipping or transport
- Goods imported by export companies with at least 70% export sales
- May DTI or EMB compliance
VAT Refund Rules
You can claim a VAT refund if:
- Your sale is qualified as zero-rated
- Documents are complete
- Claim is filed on or after April 1, 2025
Real-Life Example:
Kulang sa proof?
- You’ll be charged 12% VAT
Kumpleto ang documents?
- Your sale can be marked as 0% VAT
- You may be able to claim a refund
Self-Check: Ikaw Ba Ay Apektado?
Check kung “yes” ka sa kahit isa:
- May foreign client ka ba?
- Freelancer or service provider ka ba?
- Supplier ka ba sa PEZA or BOI?
- Nag-file ka na ba ng VAT refund?
Kung yes, apektado ka ng RR No. 10-2025.
FAQs: Madalas Itanong
1. Paano ko malalaman kung pasok ako sa 0% VAT?
Kung foreign ang client, paid in USD or other currency, at may proof of payment — pasok ka.
2. Kailangan ko bang mag-apply para sa zero-rating?
Yes, sa ilang cases. May BIR process for this. (See RMC 24-2022 and RR 16-2005 as amended)
3. Foreign client pero bayad in pesos — pasok ba?
Hindi. Kailangan foreign currency ang bayad, at dapat documented under BSP rules.
4. Wala akong proof. Anong gagawin ko?
Hindi ka pasok sa 0% VAT. Pero pwede ka pa rin magbayad ng tamang tax. Mag-seek ng tax advice para maayos.
5. Non-VAT ako. Apektado ba ako?
Hindi, pero kung plano mong mag-VAT, kailangan mong maintindihan ang rules na ito.
Gusto Mong Makatipid sa Tax, Di Lang sa VAT?
Download my Tax Savings Starter Guide – a free resource para sa freelancers, contractors, at professionals na gustong iwasan ang penalties at stress.
Inside, you’ll learn how to:
- Organize your tax documents
- Use legal tax deductions
- Apply practical, no-jargon strategies
Share This Blog
May kakilala kang may foreign client o nagbabalak mag-VAT registration?
I-share mo ’to. Baka ito na ang sagot sa tax questions nila.
References:
- Revenue Regulation No. 10-2025
- Revenue Regulation No. 16-2005 (as amended)
- Revenue Memorandum Circular No. 24-2022
- Revenue Memorandum Circular No. 49-2022
- Revenue Regulation No. 21-2021