
Bakit Importante Ito?
Maraming contractors at suppliers ang akala, basta ma-deliver na sa gobyerno, tuloy-tuloy na ang bayad. Pero hindi ganun kadali. Ayon sa bagong RR 17-2024, kailangan mo munang kumuha ng BIR Tax Clearance para siguradong mabayaran ka nang buo at walang delay.
Ano ang Bago sa RR 17-2024?
-
Simula September 17, 2024, kailangan mo na ng BIR Tax Clearance bago ma-release ang final payment.
-
Kung wala ka nito, pwede ma-hold o ma-garnish pa ng BIR ang bayad mo.
-
Sino ang apektado?
• Contractors o suppliers ng gobyerno
• Mga nagtatrabaho sa infrastructure projects
• Lahat ng nagbibigay ng goods o services para sa government projects
Halimbawa ni Pedro
Si Pedro ay supplier sa isang LGU. Dahil wala siyang BIR Tax Clearance, hindi siya nabayaran. Lesson: Wag hayaang ma-delay o mawala ang kita. Siguraduhin na compliant ka palagi.
Self-Check: Para Sa’yo Ba Ito?
-
May government project ka ngayon?
-
Contractor o supplier ka?
-
Hindi mo pa alam ang bagong rule?
Kung “oo” ang sagot mo, kailangan mo nang kumilos.
Ano ang Kailangan Mong Gawin?
-
Siguraduhin updated ang tax returns mo at wala kang utang sa BIR.
-
Kumuha ng BIR Tax Clearance Certificate bilang patunay na compliant ka.
-
I-submit ito bago ang final settlement para walang abala o delay sa bayad.
-
Kung di ka pa sigurado paano gawin ito, tanungin ang accountant mo o magtanong para matulungan ka namin.\
Bakit Mahalaga ang Compliance?
Hindi lang ito tungkol sa batas — ito ang paraan para:
-
Tuloy-tuloy ang bayad
-
Wala kang penalties
-
Mas magaan ang trabaho at peace of mind
Gusto Mo Pa ng Tax Tips?
Para sa iba pang compliance tips at para makaiwas sa penalties, i-download ang aming Tax Savings Starter Guide:
https://sendfox.com/reliabooksph


