Bakit May Bagong Rules?
Ngayong 2025, inilabas ng BIR ang Revenue Regulations No. 12-2025 para gawing mas klaro at enforceable ang pag-deliver ng legal notices — lalo na sa mga taxpayers na dating tagged as CBL (Cannot Be Located). Hindi na pwedeng balewalain ang mga sulat. Warrant na ang susunod.
Sino ang Apektado?
Check kung ikaw ‘to:
- Dati kang hindi matagpuan ng BIR
- May natanggap kang registered mail na galing sa kanila
- Nagbago ka ng business address pero hindi nag-update sa BIR
- Lumitaw ka kamakailan sa BIR office o nag-request ng update
Kung oo sa kahit isa, this regulation applies to you.
Hindi Lang ‘To Papeles
Ang warrant ay hindi simpleng papel. Ito ay:
- Puwedeng magpablock ng bank account
- Makaapekto sa business properties
- Maka-delay ng future permits
Masakit sa ulo. Masakit sa bulsa. Pero maiwasan kung aaksyonan agad.
Paano Na Ipinapadala ang BIR Warrant Ngayon?
- Personal na Delivery
- Ihahatid ito sa’yo kung present ka
- Kung company ka, puwedeng ibigay sa officer mo (president, treasurer, etc.)
- Kapag Walang Tao o Tumanggi Kang Tanggapin
- May dalawang non-BIR witnesses
- Witnesses will sign and present ID
- Iiwan nila ang warrant sa property mo
- Magpapadala rin sila via registered mail or email
Minsan, barangay official ang witness — kaya wag ka na magulat kung may tanod sa gate.
Dati Kang CBL, Pero Lumitaw Ka Ngayon?
Kapag dati kang hindi matagpuan pero ngayon ay:
- Nagpakita sa kahit anong BIR office
- Nakita o na-trace ka na ng BIR
Sabay-sabay na ibibigay ang lahat ng notices tulad ng:
- Warrant of Distraint and/or Levy
- Warrant of Garnishment
- Notice of Levy or Tax Lien
Parang overdue bills — sabay-sabay ang dating.
Sample Scenarios (At Anong Gagawin Mo)
Nangyari | Anong Gagawin ng BIR | Anong Gagawin Mo |
Nasa bahay ka | Ihahatid sa’yo mismo | Tanggapin at basahin agad |
Wala ka / Tumanggi ka | Witnesses + iiwan ang warrant | Huwag balewalain pag nakita mo |
Dating CBL, lumitaw ka | Sabay-sabay na notices | Kumonsulta agad sa BIR o tax advisor |
Paano Iwasan ang Gulo?
- I-update agad ang BIR sa address mo
- Basahin ang mga registered mail
- Kumonsulta sa tax advisor kung may notice
May FREE Guide Kami Para Sa’yo
Kung gusto mong maiwasan ang penalties, dapat maayos ang tax setup mo.
📥 Download our FREE Tax Savings Starter Guide:
https://sendfox.com/reliabooksph
I-share Mo ‘To
May kilala kang dating CBL o may tax issue? Baka ito na ang reminder na kailangan nila. Share this blog.
Gusto Mo Magkwento?
Naka-experience ka na ba ng warrant o notice? Kwento mo sa comments. Baka makatulong sa iba.
Source:
Revenue Regulations No. 12-2025